Thursday, October 27, 2011

my collection of quotes from the book of Mr. Bob Ong..

Mr. Bob Ong is one of my favorite Tagalog author, I know him thru my favorite author also Ms. Sonia Francesca...haha.. She got me curious about this author because she always included it in her books, thatswhy I decided to buy one, and well it did not disappoint, he's a great writer. Bawat salita na binibitiwan ng manunulat na ito, its' a WAPAK, sapul sa mukha sa bwat bumabasa sa gawa niya and it includes me, and not that, he's not a boring writer lahat ng books niya meron nakakatawa na lines, pero sa likod noon ay isang malutong na katotohan kung anong meron sa society natin.

Here it is my collection of qoutes galing sa books niya...



"Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
 

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
 

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
 

 "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na." 

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."


"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

 "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

 "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

 "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

 "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

"Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

 "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

 "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

 "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

 "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

 "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

 "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

"Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

 "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka..". Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay, hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinulat o wala. Allowed ang erasures.


“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”

“Hi*****in mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”


FAMOUS QUOTES FROM BOB ONG


“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”

hindi lahat ng di kaya mong intindihin ay kasinungalingan at ang mga bagay na kaya mong intindihin ay katotohanan

nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

” Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! “

mangarap ka at abutin mo ‘to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

 “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…"

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”


"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”



“iba ang informal gramar sa mali !!!”

” Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay.”

"Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka. Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka"

Walang Taong Manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.

Mabuit pa ang alphabet nakakagawa ng sentence,

(c=a+b)
eh ang numbers ba, nakakagawa ng sentence?

(32 asked 4150 if 7 will 698)?!

Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal

Pag di ka mahal ng taong mahal mo, wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lng.

Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.

makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang ang taong uupo satabi mo...
ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa

kung sa tingin mo naloko mo ako.. nag kakamali ka.. kc ikaw ang naloko ko..pinaniwala kita na naloko mo ako...
Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.



Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka" kung totoo yun,patunayan nya

Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal naten ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yun. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin, kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN. Pana-panahon lang yan.

ang pinakamirap na parte ng paglayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay ang katotohanang hindi ka nya hahabolin


Alarm clock ka ba? ginising mo kasi ang natutulog  ko ng puso


bababa ba ang bill ko sa Internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ang Laws of Exponent ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen sa bansa? Makakabuti ba sa mag-asawa kung malalaman nila ang sum and difference of two cubes? Maganda ba asa sirkulasyon ng dugo and parallelogram, polynomial, at contangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator?

---------------------------------------------------000------------------------------------------------


Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na

Kung madami kang dapat gawin pero wala kang ginawa, hindi katamaran ang dahilan nun...may iniisip ka.."

Kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa iyo? wala nang nagtatagal sa panahonng ito at kung may iiiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga


sa kolehiyo, madaming impluwensya ang makikita, masama o mabuti man ito...wag isisisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa pagyoyosi, nasira ang atat mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya...kung talagang matino kang tao, kahit sino pang tarando ang kasama mo ay maitutuwid mo prain ang daanang tatahakin mo"

Paano mo makikita yung tao para sa iyo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa iyo

mas marami pa siyang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records niya, mas marami pa siyang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume niya, a mas mataas ang halaga niya kesa sa presyong nakasulat sa payslip niya tuwing sweldo

Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa ng lamang masayang gunita ngayon. Isang bintana sa kahapon, na paminsan minsan ay gusto mong mong masulyapang muli. Sabay bulong sa sarili sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pgkakataon.

Hindi lahat ng kaya mong intindhin ay katotohanan at hidni lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan

Minsan kailangan mo din makalimot...para ikaw naman ang maalala

Minsan kahit hindi ikaw ang nakascedule, kailangan mo pa rin mghintay, kasi hindi ikaw ang priority

Walang mangyayari sa buhay mo hanggat hindi ka tumitigil sa paninisi sa naging kapalaran mo

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

Monday, October 17, 2011

Weekend Escapades---BOGO


Last week, me and Arline have the best vacation somewhere at BOGO City though it’s really a very long drive 3 ½ hrs. from Cebu City but it’s really worth it when we step in the place. Actually it’s a small place which I think you can explore it, probably in a day but the place was really quite that you can really relax from the chaos and lime lights from the City. Actually, vacation it’s not only our sole reason why we go there but we also attend the wedding of our dear friend Analyn and Romeo. The whole wedding entourage was really beautiful from the church down to the reception place. The church speaks for elegance; the aisle was too long enough for the bride to shine with her beauty with her groom, well they look good together…hehe.. Our friend was teary eyed as she make her way going to the altar with her parents, me too as well, epal lang but that’s me everytime I will attend a wedding ceremony…haha.. Well the reception was really beautiful kung sana di lang umulan ng bonggils..haha..but still we enjoyed the food and everything…haha.. Then someone I think he’s name is Alfie shows us the beauty of place, well thanks to his kindness..haha..  Dinala niya sa kami sa kanilang Mangrove Eco Park, the place was really beautiful, though medyo nahirapan kami tumawid doon sa tulay wearing a 3 inches heels, it feels like hell,hahaha, but I really enjoyed that walk…so far that was the first time I experienced such kind of feeling,haha, iyong feeling na amazed sa ganda ng lugar pero bwesit ka sa heels mo, like na like mo siyang itapon somewhere…haha… But the walk was really worth it when we reach the end of that bridge, grabe ang ganda, mahirap edescribe..haha…kaya share ko nalang pics doon..haha… We stayed there for 2 nights and 3 days before going back to the City, such a great feeling though medyo ang room a bit creepy I don’t know why…haha..but nonetheless I enjoyed it so much… 

                   Iyan ang beauty bumungad sa amin...so...so beautiful

                             the walk..tinggal ang heels hirap eh...haha
                                              the bridge...haha
            bagong gising, walang lamos and suklay...haha
                                                my friend arline
                                                         the gown..love it..
                                                our dear friend Analyn
                              this beauty really amazes me..